Mayroon bang katibayan sa pagkasi ng Diyos sa Bibliya?

Publish date: 2022-08-13

Narito ang ilang mga katibayan na ang Bibliya ay kinasihan (hiningahan ng Diyos) gaya ng sinabi sa 2 Timoteo 3:16:

1) Mga natupad na hula: Kinausap ng Diyos ang mga propeta sa Bibliya at sinabi sa kanila ang mga bagay na magaganap sa hinaharap. Ang ilan sa mga iyon ay naganap na. Ang iba ay hindi pa. Halimbawa, ang Lumang Tipan ay naglalaman ng mahigit sa tatlong daang (300) hula patungkol sa unang pagparito ng Panginoong Hesu Kristo. Walang duda na ang mga hulang ito ay nagmula sa Diyos dahil ang mga manuskrito ay nasulat bago ang Kanyang pagsilang. Ang mga hulang ito ay nasulat hindi pagkatapos maganap ang pagparito ni Kristo kundi bago Siya dumating sa mundo.

2) Pagkakaisa ng Kasulatan. Ang Bibliya ay isinulat ng humigit kumulang sa apatnapung (40) manunulat sa loob ng humigit kumulang na isang libo at anim na raang (1,600) taon. Magkakaiba ang kalagayan at edukasyon ng mga manunulat na ito. Si Moises ay isang lider pulitikal, Si Josue ay isang lider militar; Si David ay isang pastol; si Solomon ay isang hari; si Amos ay may-ari ng isang kawan at namimitas ng prutas; si Daniel ay isang punong ministro; Si Mateo ay isang maniningil ng buwis; si Pablo ay isang guro; at si Pedro ay isang mangingisda. Ang Bibliya ay nasulat din sa iba't ibang sitwasyon at kasaysayan. Ito ay nasulat sa tatlong magkakaibang kontinente, sa Europa, Asia at Africa. Sa kabila ng lahat, isang dakilang tema ang napanatili sa lahat ng Kasulatang ito. Hindi kailanman sinalungat ng Bibliya ang kanyang sarili. Walang ibang paraan, kundi sa pamamagitan lamang ng pagkasi, paggabay at pamamahala ng Banal na Espiritu na ang lahat ng ito ay maisasakatuparan.

Ikumpara natin ito sa aklat ng Islam na tinatawag na Koran. Ang aklat na ito ay inipon lamang ng isang indibidwal na nagngangalang Zaid bin Thabit, sa ilalim ng paggabay ng biyenan ni Muhamad na si Abu-Bakr. Pagkatapos, noong 650 A.D., isang grupo ng mga Arabong iskolar ang gumawa ng pinag-isang bersyon at sinira ang lahat ng ibang mga kopya upang itatag ang pagkakaisa ng mga aklat ng Koran. Naiiba ang Bibliya. Ang lahat ng mga aklat dito ay nagkakaisa na sa panahon pa lamang ng pagkasulat ng bawat isa sa kanila. Walang binago isa man sa kanila upang sumang-ayon sa bawat isa. Ang pagkakaisa ng mga aklat ng Koran ay ipinagpilitan lamang ng tao.

3) Ipinakilala ng Bibliya ang mga tauhan nito ng buong katapatan kasama ang kanilang mga pagkakamali at kahinaan. Hindi nito itinataas ang mga tao gaya ng ginagawa ng ibang mga relihiyon sa kanilang mga bayani. Sa pagbabasa ng Bibliya, malalaman na ang mga taong inilarawan dito ay mga taong katulad din natin na may kanya-kanyang problema at pagkakamali. Ang dahilan ng pagiging dakila ng mga tauhan sa Bibliya ay ang kanilang pagtitiwala sa Diyos. Ang isang halimbawa ay si David, na inilarawan bilang isang “lalaking ayon sa puso ng Diyos” (1 Samuel 13:14). Sa kabila nito, nagkasala si David ng pangangalunya (2 Samuel 11:1-5) at pagpatay (2 Samuel 11:14-26). Ang impormasyong ito ay tiyak na aalisin sa Kasulatan kung tao ang masusunod, ngunit pinanatili ng Diyos ang mga katotohanang ito sa Kanyang aklat.

4) Pinatutunayan ng arkelohiya ang mga kasaysayan na natala sa Kasulatan. Kahit na maraming mga hindi mananampalataya sa kasaysayan ang nagsikap na pabulaanan ang mga tala sa Bibliya sa pamamagitan ng arkelohiya, nabigo sila. Madaling sabihin na hindi totoo ang kasulatan. Ang mahirap gawin ay patunayang hindi ito totoo. Sa katotohanan, hindi kayang pabulaanan ang katotohanan ng Kasulatan. Sa nakalipas, sa tuwing sinasalungat ng Bibliya ang mga teorya ng siyensya, sa huli napatutunayan ng siyensya na totoo ang sinasabi ng Bibliya at ang mga teorya ng Siyensya ang mali. Ang isang magandang halimbawa ay ang Isaias 40:22. Habang sinasabi ng siyensya na ang mundo ay lapad, sinasabi na noon pa ng Bibliya na ang mundo ay bilog o isang “balantok na lupa.”

Ang pagaangkin ng Bibliya na nagmula ito sa Diyos ay hindi maituturing na mahinang pangangatwiran. Ang mga patotoo ng mga mapagkakatiwalaang saksi - partikular ni Hesus, at nina Moises, Josue, David, Daniel at Nehemias sa Lumang Tipan at ni Juan at Pablo sa Bagong Tipan - ay nagpapatunay sa awtoridad ng Banal na Kasulatan. Tingnan din ang mga sumusunod na mga talata: Exodo14:1; 20:1; Levitico 4:1; Bilang 4:1;Deuteronomio 4:2; 32:48; Isaias 1:10, 24; Jeremias 1:11; Jeremias 11:13; Ezekiel 1:3; 1 Corinto 14:37; 1 Tesalonica 2:13; 2 Pedro 1:16 21; 1 Juan 4:6.

Isa pang patunay na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos ay ang mga sinulat ni Titus Flavius Josephus, isang Hudyong manunulat ng kasaysayan noong unang siglo. Itinala ni Josephus ang mga pangyayari na katulad ng mga nangyari sa Bibliya. Dahil sa mga ibinigay na ebidensya, buong puso naming tinatanggap na ang Bibliya ay nagmula sa Diyos at ito ang mismong Salita ng Diyos (2 Timoteo 3:16).

English


Bumalik sa Tagalog Home Page

Mayroon bang katibayan sa pagkasi ng Diyos sa Bibliya?

ncG1vNJzZmivp6x7qLvTqqyeq6SevK%2B%2FjaipoGeElrSiuM6gZqSZpJ6vosXAp2SpmZegrrS1jHugm6SZrq5vtNOmow%3D%3D