Ano ang pananaw ng Bibliya sa Kristiyanong pamamanhikan?

Publish date: 2023-04-11

Sa Bibliya, may tatlong hakbang ang mga Hudyo bago ang aktwal na kasalan. Kailangan munang magkasundo ang pamilya ng magkabilang panig sa pagiisang dibdib, at pagkatapos ay ipapaalam sa publiko ang naganap na kasunduan. Sa puntong ito, ang magkasintahan ay nakatalaga na para sa isa't isa. Sa huli, opisyal silang ikakasal at maguumpisang magsama sa iisang bubong. Ang pagkakasundo ng mga pamilya ng magkasintahan ay maihahalintulad natin ngayon sa pamamanhikan maliban sa hindi gaanong sineseryoso sa ating kultura ngayon ang kasunduan ng mga magulang na gaya nila noon. Sa panahon ng Bibliya, kung ipagkasundo na ang isang babae at isang lalaking Hudyo ng kanilang mga magulang, nakatali na sila sa isa't isa sa pamamagitan ng isang kontrata na maaari lamang mapawalang bisa sa pamamagitan ng kamatayan o diborsyo kahit hindi pa sila nagsasama sa iisang bubong.

Ang sinumang Kristiyano na nagnanais magasawa ay dapat na maunawaan ang lalim ng ganitong uri ng pagtatalaga at hindi dapat na pumasok sa sitwasyong ito ng basta basta. Nais ng Diyos na ang pagaasawa ay maging isang panghabang buhay na pagsasama, hindi isang panandaliang kasunduan. Ito ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa pagaasawa: "Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, [magsasama sila ng kanyang asawa] at ang dalawa'y magiging isa.' Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao" (Markos 10:7-9).

Dapat na tiyakin ng isang Kristiyano na may malalim na siyang pagkakilala sa isang tao bago ang pamamanhikan. Sinasabi sa Bibliya na hindi maaaring makipagkaisa at mamuhay ng mapayapa ang mga Kristiyano kasama ang mga hindi mananampalataya (2 Corinto 6:14-15). Ang isang Kristiyano na nakikipagkaisa sa isang hindi mananampalataya ay nanganganib na mapalayo kay Kristo gaya ng sinasabi sa Bibliya, "Huwag kayong paloloko. "Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao" (1 Corinto 15:33). Ang tanging paraan upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagaasawa at isang relasyon na nakalulugod sa Diyos ay ang manatili sa pananampalataya at pagtiyak na nakatalaga sa Diyos ang buhay ng napupusuan.

Dapat na mamuhay ang mga Kristiyano na ang Diyos ang nagpapatakbo sa kanilang buhay. Nais ng Diyos na Siya ang manguna sa bawat aspeto ng ating buhay maging sa ating mga karelasyon. Ang pagkakaroon ng malinaw na pangunawa sa Salita ng Diyos at lumalagong personal na relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin at pagtitiwala sa gabay ng Banal na Espiritu ang una at pinakamahalagang hakbang sa pagalam ng Kanyang kalooban para sa atin. Ang payo ng mundo sa pakikipagtagpo at pakikipagkasundo sa nais mapangasawa ay dapat na suriin at ipailalim sa katotohanan ng Banal na Salita ng Diyos. Kung uunahin natin ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa, papatnubayan niya ang ating landas (Kawikaan 3:5-6).

English


Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pananaw ng Bibliya sa Kristiyanong pamamanhikan?

ncG1vNJzZmivp6x7qLvTqqyeq6SevK%2B%2FjaipoGeElrSiuM6gZqSqmajBqsXAp6ann12lrq6tzJqloaGblrtvtNOmow%3D%3D