Ano ang konsepto ng Nirvana sa Budismo?

Publish date: 2022-12-13

Ayon sa Budismo, ang Nirvana ay isang kumplikadong konsepto ng kalagayan ng isang tao na nakatakas na sa pagdurusa sa mundong ito at naisakatuparan na ang kanyang pakikipagisa sa sangnilikha. Ang isang tao na nakapasok na sa Nirvana ay nakalaya na sa paulit-ulit na pagsilang at pagkamatay o tinatawag na reinkarnasyon bagama't sa isang impersonal na paraan. Ang salitang Nirvana ay literal na nangangahulugang "pagpatay sa pamamagitan ng pagihip" o "pagpugnaw," ngunit ang kung ilalapat sa espiritwal na buhay ng isang tao, nagiging mas kumplikado ang kahulugan nito. Maaaring tumukoy ang Nirvana sa akto ng pagpatay sa sunog—maaaring paunti-unti o biglaan (gaya ng pagihip sa isang kandila). Ang pinakalayunin ng Budismo ay Nirvana, kung kalian kumpleto na ang pagpugnaw sa lahat ng pagnanasa at lumipat na ang tao sa panibagong estado. Katulad ito sa isang nagliliwanag na kandila na pagkatapos ay biglang pinatay. Naglaho ang enerhiya nito, ngunit nananatili pa rin itong isang uri ng enerhiya. Ang simpleng ilustrayong ito ang naglalarawan sa nangyayari kung marating ng isang kaluluwa ang Nirvana.

May tatlong "apoy" na nais na patayin ng mga Buddhists upang marating ang Nirvana. Ang mga ito ay ang pagnanasa, pagkamuhi at kamangmangan. Sa biglang tingin, ang mga katuruang ito ay tila ayon sa Bibliya. Binabalaan tayo ng Bibliya laban sa pagkalunod sa ating mga pagnanasa (Roma 6:12) at inuutusan tayo na "patayin" ang anumang makalupang pagnanasa na nasa ating kaloob-looban, kasama ang makasalanang hilig ng laman (Colosas 3:5). Ipinagbabawal din sa Bibliya ang pagkapoot at sinasadyang kamangmangan. May 71 iba't ibang kawikaan na tumutukoy sa "hangal" sa Aklat ng Kawikaan at walang kahit isang positibo sa mga ito. Isa ring negatibong kalagayan ang "pagkapoot." Sari-saring kaguluhan ang bunga ng pagkapoot, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan" (Kawikaan 10:12).

Gayunman, ang pagpugnaw sa mga pagnanasa ay malayong-malayo sa utos ng Bibliya na "iwasan ang masasamang hilig ng kabataan" (2 Timoteo 2:22). Hindi itinuturing ng Budismo ang kasalanan bilang paglabag sa utos ng Diyos; sa halip, inirerekomenda na iwaksi ang lahat ng pagnanasa, na isang pagkakasalungatan – dahil dapat na magnasa ang isang tao na alisin ang mga pagnanasang ito. Hindi ito isang Biblikal na ideya. Ipinangako ng Diyos na ibibigay Niya ang mga nasa ng ating puso kung hinahanap natin sa Kanya ang ating kaligayahan (Awit 37:4). Gayundin, hindi kagaya ng Nirvana, ang Biblikal na langit ay isang lugar kung saan mararanasan ang ganap na kasiyahan at makakamtan ang lahat ng ating ninanasa (Awit 16).

Ang konsepto ng Nirvana ay salungat sa itinuturo ng Bibliya patungkol sa langit. Sinasabi ng Kasulatan na walang paraan para tayo makagawa ng ating sariling daan patungo sa langit (Roma 3:20). Walang anumang dami ng meditasyon, pagtanggi sa sarili, o kaliwanagan ang magpapaging matuwid sa atin sa harap ng banal na Diyos. Gayundin, itinuturo ng Budismo na ang isang taong nakarating sa Nirvana ay nawawalan ng personal na pagkakakilanlan, pagnanasa at maging ng pisikal na katawan. Itinuturo naman ng Bibliya na ang langit ay isang literal at aktwal na lugar, hindi estado ng isipan, kung saan mapapanatili ang lahat ng persona at ating pagkakakilanlan at kung saan tayo magkakaroon ng binuhay na mag-uling katawan. Hindi tayo pupunta sa isang walang saysay na estado; sa halip, mararanasan natin ang kaganapan ng lahat ng ating mga pagnanais—ang pakikisama sa Diyos: "Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan" (Awit 16:11).

English


Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang konsepto ng Nirvana sa Budismo?

ncG1vNJzZmivp6x7qLvTqqyeq6SevK%2B%2FjaipoGeElrSiuM6gZqehoquur62Mm6ydoaOivG%2B006aj