Ano ang Apocypha / mga aklat Deuterocanonico? Ang mga aklat bang ito ay kasama sa Bibliya?

Publish date: 2022-02-17

Mas marami ang mga aklat ng Lumang Tipan sa Bibliya ng mga Romano Katoliko kaysa sa mga Bibliya ng mga Protestante. Ang mga aklat na ito ay tinatawag na Apocrypha o mga aklat Deuterocanonico. Ang salitang "apocrypha" ay nangangahulugan na "nakatago" samantalang ang salitang "deuterocanonico" ay nangangahulugan na "ikalawang canon." Ang Apocypha / mga aklat Deuterocanonico ay nasulat sa pagitan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan. Ang mga aklat na ito ay ang 1 Esdras, 2 Esdras, Tobit, Judit, Karunungan ni Solomon, Ecclesiasticos, Baruc, ang Sulat ni Jeremias, Panalangin ni Manases, 1 Macabeo, 2 Macabeo, mga aklat na idinagdag sa aklat ng Ester at Daniel.

Itinuturing ng bansang Israel ang mga Apocypha / mga aklat Deuterocanonico ng may paggalang, ngunit hindi nila ito tinatanggap na kasama sa Bibliyang Hebreo. Pinagtalunan ng unang iglesya ang katayuan ng Apocypha / mga aklat Deuterocanonico, at kakaunting Kristiyano lamang ang naniwala na kabilang ang mga ito sa canon ng Kasulatan. Binanggit sa mga aklat ng Bagong tipan ang mga sitas sa Lumang Tipan ng daang beses, ngunit kahit kailan, walang anumang sitas mula sa Apocypha / mga aklat Deuterocanonico ang binanggit sa Bagong Tipan. Bukod dito, maraming mga pagkakamali at pagkakasalungatan ang napatunayan sa Apocypha / mga aklat Deuterocanonico.

Itinuturo sa Apocypha / mga aklat Deuterocanonico ang maraming bagay na hindi totoo at hindi ayon sa kasaysayan. Noong una, maraming Katoliko Romano ang tinatanggap ang Apocypha / mga aklat Deuterocanonico. Opisyal na idinagdag ng Simbahang Katoliko ang Apocypha / mga aklat Deuterocanonico sa kanilang Bibliya sa Konseho ng Trent noong kalagitnaan ng 1500"s A.D., upang gamiting pangontra sa repormasyon ng Protestante. Sinusuportahan ng Apocrypha / mga aklat Deuterocanonico ang ilang mga pinaniniwalaan at sinasanay ng Simbahang Katoliko na hindi naman sinasang-ayunan ng Bibliya. Ang ilan sa mga katuruang ito ay ang pananalangin para sa mga patay, paghingi ng tulong sa mga santo sa langit sa kanilang pananalangin, pagsamba sa mga anghel, at pagbibigay ng limos para sa katubusan ng kanilang mga kasalanan. May ilan din namang tamang katuruan sa Apocypha / mga aklat Deuterocanonico. Gayunman, dahil sa maraming pagkakamali sa katuruan, sa teolohiya at sa kasaysayan, ang mga aklat na ito ay dapat na ituring na mga dokumentong pangrelihiyon at pangkasaysayan lamang na maraming pagkakamali, at hindi kabilang sa walang pagkakamaling Salita ng Diyos.

English


Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Apocypha / mga aklat Deuterocanonico? Ang mga aklat bang ito ay kasama sa Bibliya?

ncG1vNJzZmivp6x7qLvTqqyeq6SevK%2B%2FjaipoGeElrSiuM6gZpqon5i%2FurzHmmSdnaWpsrO7wpqlqKaZmLxvtNOmow%3D%3D